There’s a saying that people are a constant traveler. No
matter who and where we are, dadating talaga sa point na magbabyahe tayo. We
travel for some reasons: for a vacation, for work or school, for simple
joyrides or road trips or even just for fun. Kung may sasakyan ka, aba, walang
hassle ang pagtatravel pero kung wala at magcocommute ka, asahan mo na isa
itong malaking pakikipagsapalaran. Kung araw-araw mo itong ginagawa, araw-araw
kang magiging si Superman o Wonderwoman para lang makarating sa iyong
pupuntahan.
At
dahil nakasanayan mo na ang pagcocommute, I’m sure familiar ka na sa iba’t-ibang
taong naeencounter sa tuwing magcocommute ka through PUV’s: fx, bus, jeep at
tricycle. Narito ang ilan:
1. The Music Lover
Ø
Ewan ko kung anong meron sa pagiging music lover
at medyo nakakabingi ata. Siya ang type ng commuter na sa sobrang lakas ng
music na pinapakinggan sa kanilang headphones eh narinig na ata ng lahat ng
pasahero ang kanilang playlist. If the music is your type of music, well, hindi
masyadong nakakainis pero kung hindi, pagtitiyagaan mo ang instant radio na
hatid nya.
(**Kung ayaw mong mabigo, wag kang magpapaabot ng
bayad mo kay Music Lover. It’s either hindi ka niya talaga naririnig or
kinacareer niya ang pagkukunwari na hindi ka niya naririnig.)
2. The Dreamer
Ø
We have to admit it. Minsan talaga, nakakaantok
ang magbyahe, lalo na kung pagod at puyat ka pa. The Dreamer: Siya yung tipo ng
pasahero na kulang na lang eh bed para maging kumpleto na ang tulog niya with
matching panaginip. Sa araw-araw ba naman na pagcocommute, parang nagkakaroon
na ng sleeping power ang seats ng PUV’s na sa pag-upo mo pa lang, para ka nang
hinehele sa pagtulog. At tsaka, talent naman daw ang pagtulog nang nakaupo so
kung nagagawa mo ito sa PUV’s, eh di congratulations! Nagkaroon ka na ng
instant talent, sumikat ka pa ng konti kasi malamang, nakatingin sa’yo ang
lahat ng pasahero at napag-usapan ka na.
(**Okay lang na matulog habang nakasakay sa sasakyan,
wag lang siguro magsleepwalk. Medyo nakakatakot na po yun.)
3. The Wanderer
Ø
Minsan, sa sobrang haba ng byahe mo, you will
get bored. Bored in such a way na para lumipas ang oras, bawat tao na sasakay
at bababa sa sinasakyan mong PUV eh tinitingnan mo (unconsciously). Kung nasa
bus ka naman, hindi mo masyado makikita ang pagsakay o pagbaba ng mga pasahero
kaya ang ginagawa mo, sa labas ng bus ka na lang tumitingin. Magbibilang ng
sasakyan? Pwede. Magbibilang kung ilan na ang billboard ng endorsements ni Kris
Aquino? Pwede din. Iiikot ang mata para maghanap ng pogi/maganda? Siyempre
pwede din. It’s absolutely up to you, kahit pa nga hanapin mo kung saang part
ng EDSA ang hindi traffic eh. Pag nahanap mo, let me know! J
(**Kung feel mo na bored ka na sa byahe, naka-Wanderer
mode on ka na. Promise. Totoo yun!)
4. The Public Couple
Ø
They are the most prominent people in the
commuting world! Wherever you are, whatever PUV na sinasakyan mo, wala kang
ligtas kay Public Couple. Sila yung magBF/GF o mag-asawa na walang kabitteran
sa katawan kaya naman kahit nasa public sila eh parang lalanggamin sa sobrang
sweet. Minsan naman, hindi sila ganoon ka-sweet na nakakainis na, minsan,
nakakainis lang na ayaw nila maghiwalay ng upuan sa mga PUV so imbes na
naisalba na nila yung sasakyan para makaalis na, hindi sila sasakay kasi nga
magkahiwalay ang upuan. Ayan tuloy, no choice kayong mga naunang pasahero kundi
ang maghintay ulit na mapuno ang sasakyan.
(**Did I already mention yung couple na hindi magBF/GF at
hindi rin mag-asawa? Sila yung mga It’s Complicated at “Tamang Landi Lang” ang
drama. Lumalaganap sila ngayon, ewan ko kung bakit.)
5. The In-Betweener
Ø
Usually, kapag malalate na, hindi talaga
maiiwasan na magmadali. Man as we are, we really love to make shortcuts kaya
pati sa pagcocommute, naiiapply natin. In-Betweener: Siya yung tao na medyo natatamad to fall in line kaya
para mapadali ang pagsakay, pasimple na lang na sumisingit sa linya.
(**Pag walang nakapansin sa’yo, successful ka sa
pagiging In-betweener pero remember, somebody’s watching you up there. Hihi)
6. The Snob
Ø
Medyo related siya kay Music Lover. Siya yung
type ng pasahero na parang malaking abala ang magpaabot ka ng bayad sa kanya or
makisuyo ka na tumabi siya ng konti para magkasya kayo sa sasakyan.
(**Kapag naencounter mo si The Snob, ang kailangan mo
lang ay pasensya—bonggang-bonggang pasensya.)
7. The Preacher
Ø
From the name itself, siya yung sumasakay ng
PUV’s (especially bus) hindi para maging pasahero kundi para mangaral. Okay
lang naman, wala namang masama dun kasi everyone has the right to hear God’s
words naman. Medyo off lang yung after magbigay ng Bible lessons eh mageexpect
ng donations.
8. The Cutie
Ø
Malakas maka-good vibes ang type of commuter na
ito. Aminin mo, kapag may cute na bata sa sinasakyan mong PUV, tinatawanan at
nakikipaglaro ka sa kanya di ba? O kaya naman, kahit hindi ka makipaglaro,
tinitingnan mo siya paulit-ulit di ba? Kasi maganda sa pakiramdam at
nakakauplift ng soul.
(**Pwede ka ring magkaroon ng ganoong pampagood vibes
kung wala ka pa. Hurry, the time is running.)
9. The Non-Stop Talker/s
Ø
If you’re in a public transportation, hindi
talaga mawawala ang mga Non-Stop Talker/s. Sila yung tipo na mula pa lang sa
pagsakay sa PUV eh hindi na mapigilan sa pagkkkwentuhan. It’s not so disturbing
kung mahina lang ang kwentuhan nila pero yung iba naman kasi, kung
makapagkwento eh kala mo bingi ang lahat ng tao at sila ay nasa sarili nilang
sasakyan. Oops, kasama rin pala sa category na ito yung tao na wala namang
kasama physically pero may kausap sa cellphone at bonggang bongga ang chika sa
kabilang linya.
(**Pag may Non-Stop Talker ka na kasakay sa PUV, relax
ka lang. Para ka lang nanood ng isang eksena ng mga taong nagbabatuhan ng linya
at ang palabas? Soap Opera. Aba eh sa mga Non-Stop talkers, ang usual na topic
eh gossips and things about sa buhay-buhay ng ibang tao.: may tawanan, awayan
at iyakan. Over-all package kumbaga.)
10. The Gadgetic (Gadget Addict)
Ø
As industrialized and developed our nation is,
gadgets are something that most people have nowadays. Kaya naman kahit sa
public transportation, we couldn’t hide the amusement that these gadgets bring
into our life. Kapag may gadget (smartphone, iPad, laptop, etc) for sure,
makakalimutan mo ang bag mo pero ang gadget mo, hindi. Makakalimutan mo na
icheck ang assignments mo pero ang gadget mo, hindi. Yan ang trend ngayon eh: habang
nasa PUV, nakikipag-chat, naglalaro ng online games, at higit sa lahat,
nakikigulo sa social media networks. So kung ginagawa mo ito, isa kang
Gadgetic.
(**If you’ll practice being a gadgetic, just make sure
na hindi ka mapapalampas sa destination mo. At ang mas matinding babala, kung
may katabi ka na gadgetic, wag kang matempt na makiusyoso sa ginagawa nya sa
gadget nya. Bad yun (sumulyap ka na lang konti). Hahaha!)
Ayan,
natapos na rin tayo. I’m sure this list is still incomplete because a commuter comes
in many kinds. For now, these are just the Top 10 Types that are most common in
the metro. So, hanggang sa susunod na lang ulit na pakikipagsapalaran. Always
be safe and enjoy your trip, fellow commuters. J
hourglass