When you don’t have your own car or
wala kang generous na friend na magsasabay sa’yo pauwi, talaga nga namang no
choice ka kundi magcommute thru PUV’s like FX, jeep or bus. Kaso, sa sobrang
hirap magcommute sa Pinas, kailangan mo ng balde-baldeng pasensya at
positivity. Sa traffic at nakakainis na pagpila, iwiwish mo na lang siguro na
isa ka sa mga X-Men na nakakatravel nang walang hassle o nakakapagpatigil ng
oras o nakakacontrol ng mga tao at
bagay.
Kaya naman, kung certified commuter
ka, for sure, familiar ka na sa iba’t-ibang eksenang nagaganap sa mga terminal,
hintayan ng PUV’s o kahit na saan na pwedeng magsakay at magbaba ang mga
pampublikong sasakyan. Narito ang ilan:
1. Instant Sine
-> Nakakainip naman talagang pumila at maghintay,
lalo na kung pati lovelife mo eh matagal mo nang hinihintay. So, may ilang
commuters tayo na tuwing nasa pila, ang ginagawang pampalipas oras ay ang
panonood ng movie o series sa kani-kanilang cellphone, IPAD o tablet. Siyempre,
kung hindi ikaw yung nanonood at yung nasa unahan mo ay nanonood, hindi naman
siguro masama na makipanood ka na din. Wag ka nga lang masyadong obvious na
kinikilig ka or mapasigaw ka sa pakikipanood. Remember: Nakikipanood ka lang,
huwag masyadong careerin.
2. Mala-telenovelang Awayan sa Pila
-> Sa sobrang bagal nga naman minsan umusad ng pila
eh mangyayari talaga na kapag nagkasingitan sa pila eh kasunod na nito ang
awayan. Nakakatuwa lang na kung minsan, sa init ng diskusyon eh parang awayan
na sa telenovela ang iyong pinapanood. Anjan yung naungkat na kung paanong
hindi pinalaki ng maayos ng magulang, yung kalalaking tao eh hindi magbigay sa
mga babae, atbp na talaga namang pagkalalim ng hugot at full of emotions pang
ideliver kung minsan.
3. PDA (Pokemon Go Display of Addiction)
-> Mula nang nauso ang Pokemon Go, isang game kung
saan huhuli ka at magttrain ng pocket monsters (which I’m sure alam mo naman
talaga at hindi ko na kailangang iexplain), aba eh parang nagkaroon ata ng craze
sa Pilipinas at everywhere ay makakakita ka ng naglalaro nito. Siyempre, hindi
ligtas jan ang mga PUV’s kasi mas pabor sa mga nagttravel by car ang panghuhuli ng mga pokemons na
ito. Nakakainis lang na kung minsan,
nakakagulat yung tunog kapag may pokemon na ready to catch. Aba eh, kung
nakakatulog ka na sa fx o jip, asahan mong instant alarm ang tunog nay un. Tip:
Sa mga adik sa Pokemon Go, ingat lang po everyday kasi baka mapasama kayo sa
listahan nina Pres. Duterte at Gen. Bato ng mga adik.
4. Chikahan-On-The-Go
-> Admit it or not, nakakainip naman talagang
magcommute mag-isa, so kung may kaklase or katrabaho ka na same sa’yo ng uuwian
o malapit lang naman at madadaanan, siyempre sasabay ka na sa kanya di ba? And
most of the time, once may kasabay ka, sa sobrang kwentuhan niyo eh para kayong
mga dyaryo na hindi nauubusan ng topic at balita (chismis). Yun tipong sa pila
pa lang, nakabuo na kayo ng isang pampelikulang kwento (totoo man o hindi)
tungkol sa isang tao, then pag nakasakay na, tuloy pa din, yung sequel naman.
Ang matindi pa, kahit na pumreno si Manong Drayber at muntik na kayo
maaksidente, aba eh tuloy-tuloy lang. Because chismis is life. Chikahan-on-the
go is life.
5. That “Pasok Lang, Maluwag Pa” Moment
-> Kung certified commuter ka lalo na ng jeepney at
bus, I’m sure sawang-sawa ka na sa eksenang eto. Kung hindi pa nasisira ang
araw mo sa sobrang haba ng pila at ingay, amoy at kaartehan ng mga kapwa mo
commuter, malamang eh pag nabiktima ka ng linya na eto, tuluyan nang mag-ON ang
beast mode mo. Eh si Manong Drayber kasi o kaya si Kuya Barker, alam naman na
hindi na kasya, sige lang ng sige sa pagpapapasok kahit para na kayong sardinas
sa sobrang siksikan. Ang masaklap pa, yung pamasahe mo, kagaya lang din ng
pamasahe ng iba na komportable ang upo kesa sa’yo.
Para sa mga araw-araw na
nakikipagsapalaran sa mundo ng pagcocommute sa Pilipinas, saludo ako sa inyo! Sana
ay naentertain kayo sa familiar na scenes na binanggit ko at nawa’y nag-throwback
kahit kaunti ang inyong experiences (so
far) sa masalimuot na mundo ng pagbbyahe.
Kung hindi niyo pa nabasa ang una
kong nasulat tungkol sa iba’t-ibang uri ng commuter na meron sa Pilipinas,
sundan lamang ang link na ito: Commuting
101: Top 10 Most Common Types of Commuters.
Okay, hanggang sa muli, mga bes!
Mag-ingat sa byahe at huwag hayaang masira ang iyong araw ngayon, bukas na
lang. :)
hourglass