Eleksyon 2016 ay paparating na
Ang mga kandidato malamang ay nagmamadali na
Kampanya doon,
kampanya dito ang mga pulitiko
Pero sino-sino nga ba ang iyong iboboto?
Sa pagka-Presidente, maugong ang labanan
May iba’t-ibang karakter ang mga nagsasalpukan
Parang nasa telenovela kung sila ay magdebate
Kanya-kanyang pabida ng kanilang mga sarili
Nandiyan si Mar, ang Mr. Palengke
Nagmula sa politikal na lahi, animo nama’y disente
Asawa ni Korina, tumatakbo sa tuwid na daan
Subalit nang tinanong ang rason ng pagkandidato,
Aba ang sagot, para hindi mawala sa pamilya ang liderato
Hindi rin pahuhuli si Mayor Duterte
Ang Superman ng Davao, tagapagtanggol ng naaapi
Sa kanyang katapangan, marami ang nabighani
Kaya daw niyang baguhin ang Pilipinas sa loob lang ng ilang
buwan
Anong pagbabago nga kaya ang sa atin ay nakalaan?
Kung may Superman, siyempre meron ding Wonder Woman
Miriam Defensor-Santiago ang pangalan
Kung experience lang sa politika, siya ang may pinakamarami
Ang ating binibini’y angat sa dunong, talino at karakter
Subalit mahirap daw sumugal dahil sa siya ay may cancer
Sino rin ba ang makakalimot sa nognog from Makati?
Na sa atin daw ay nagnakaw ng bilyon-bilyong salapi
Si Binay si Binay, basta corrupt, lagi na lang si Binay
Pero kanyang ipinagmamalaki: libreng pagamot, paaral at mga naipatayong
gusali
Kung siya ang magwawagi, sana sa buong bansa din, hindi lang
sa Makati
Para kumpletuhin ang listahan, nariyan din si Grace Poe
Anak ni FPJ, ngunit siya daw ay hindi talaga Pilipino
Mahusay magsalita, ramdam ang puso at sinseridad
Subalit sa experience sa pulitika, siya daw ay kulang pa
Kung track record ang pag-uusapan, siya ay amateur pa
Sa darating na eleksyon, nawa’y tayo ay maging mahusay
Sa pagpili ng mga magiging lider, tayo ay magnilay-nilay
Huwag yung puro salita lang, bagkus ay yung may magagawa
Huwag yung puro salita lang, bagkus ay yung may magagawa
Bumoto nang naaayon sa iyong gusto, hindi lang sa tayo ay
nakikiuso
Higit sa lahat, atin din sanang mapagtanto
Na wala sa mga kandidatong ito ang sagot sa ating bawat
gusto
Kung tayo lamang ay may disiplina at respeto sa isa’t isa,
Ang ating bansa sana ay noon pa naging masagana
Kaya kaibigan, sana’y maisip mo na,
Sa darating na eleksyon, ikaw pa rin ang bida
Pumili ng wasto at ilagay sa balota
Ang taong alam mong, hindi magiging kontrabida.
hourglass