6/18/2017

Where Forever Lies: A Story of Death and Moving On






          “Death ends a life, not a relationship.”   -Mitch Albom, Tuesdays With Morrie

People are often afraid of death. They could not imagine being departed from their loved ones or being a lifetime away. So when someone dies, people find it hard to move on. Some even become depressed to the point of ending their own lives just to get away from the extreme sadness they feel due to the loss of someone dear to them.

I happened to be one of them..once. To tell you my story, let me start by asking you a question, “Do you believe in forever?”

Being an only child, I undeniably grew up with all of my parents' love and care. They did everything that they can in order to provide me with the best future. Anything that I want, they had gladly and willingly given me so I reciprocally did my part of being a good child. I almost had a perfect life—almost. And then one day, fate had its dreadful twist on us. Summer of 2000, my mother died of heart attack. By then, I was only 10 years old. Am I too young to be on a heartbreaking situation like that? Should I be thankful that I was able to experience being my mother’s daughter even for just 10 precious years? What will happen to me now? These are just few of the questions that kept running on my mind back then. Actually, when that happened, my life was filled with questions that I don’t even know how to answer. I also became numb. The numbness in my heart and soul has caused something that until now, I regret that I had: depression. Yes, for quite a while, I became depressed because I lost my mother, my best friend, my first teacher. It was really hard for me to move on. I hated all kinds of happiness. I stopped communicating with people. I even ceased going to the church because whenever I see a family attending the mass, I felt incomplete. My heart feels like it’s being stabbed. 

Fortunately, my depression didn’t last long. Reality struck me big time and so I easily accepted moving on. I began to view my life in a brighter perspective simply because I didn’t let depression get the best of me. The years had passed and I continued to live my life now, with only me and my dad. I still had my dad though and that is enough reason for me to continue living and move forward. However, things did not go well with my dad. I didn’t know that while it’s hard for me to accept that my mom’s already gone, it was even harder for my dad. He loved her too much that when she left us, it seemed that my dad’s world has fallen right in front of him. Sadly, while I managed to recover from being down, my father was deeply devastated and I was not able to help him get through it. On the years that followed my mother’s death my life and my father’s life was like a roller coaster ride. With the myriad ups and downs, I was almost on the verge of giving up but I had to be strong and endure everything, at least for my father. I wanted to take care of him, I wanted to make him feel that he’s not alone because he still had me, I wanted to show him my love but all of them are just short-lived. Six years after my mother went to heaven, my father followed—just as I was starting to go to college. When you’re 16 and you’re an orphan, what would you do? Sure, I am old enough to move on but am I strong enough to understand that I no longer have a family? Well, I had to. Since the day that I became an orphan, I firmly stood for myself. Who would do that for me, anyway? Right? Though life had been not-so-good for me, it was not-so-bad for me either. After all that I’ve been through, I am still thankful that I’m still alive. Imagine, if I easily gave in to the call of grief and melancholy, I probably won’t be here now and maybe I took my own life.

Now, if you’ll ask me, “Do I believe in forever?” Yes, I do. But forever doesn’t end when someone we love dies. Forever is eternal. Though they are not physically present in our lives, their memories are still worth remembering. When you remember someone who had passed away, it’s okay to be sad because losing a loved one is really not that easy but on a lighter side, we should bear in mind that they are now happy to be back in the arms of our Creator. But we can never blame Him if our life got miserable because we cannot pick up ourselves from depression due to the loss of someone. Not moving on is definitely a choice. We can always move on from something or someone that has caused us too much hurt or pain but sometimes, we cannot move on simply because we don’t want to. Death only ends one's life but we should move forward. Though they are a lifetime away, it doesn't change the fact that they were once part of our lives.

Forever is eternal. If someone dear to us become out of our grasp, still, forever, they will remain in our hearts. Whoever they were in our lives, our relationship with them will stay the same and our love for them will never fade. Wherever life takes us, their memories will always be there. In our hearts, that is where forever lies.

6/11/2017

Dawn Diaries Entry #2

Magdadalawang taon na din yata ang nakalipas bago ko nasundan ang Dawn Diaries series ko. Higit isang taon akong kinalawang, nawalan ng idea o baka sadyang tinamad lang. Well, kahit na ano pa man ang sabihin ko, excuses lang naman ang lahat ng yun. Maniwala ka man o hindi, hindi na maibabalik pa ang panahon na hindi ako nakapagsulat. But I don't regret it though. Sabi nga nila, everything takes time kaya etong pagsusulat ko, I definitely took the time.

So, ano nga ba ang masasabi ko ngayon sa entry # 2? I'm Gram, by the way, kung hindi mo pa ako kilala. Gram, pero hindi yung sa weight ah. Baka masyado maemphasize ang timbang ko. Gram, in short for "grammar", yung sa English. Pero wala yung konek dito sa entry ko. Konting introductions lang muna.

Okay, let's get this started. Bale for entry #2, gusto ko lang ishare yung experience ko lately. Let's begin with a question. Naramdaman mo na ba na parang ang babaw ng emotions mo? Yung tipong, when you hear a good song, you get touched easily; or when you talk to someone, you get inspired o kahit na yung kapag may napanood ka lang na something na kakaiba, parang pumapasok yun sa puso mo at hindi mo namamalayan, umiiyak ka na pala. Ako kasi ganyan lately.

For so many years in my life now, I consider myself as a strong person. Too strong that I have closed my heart to any form of strong emotions like love and anger. Hindi mo ako mapapaiyak nang basta-basta at sabihin na lang natin na, para akong laging walang emosyon. Pokerface kumbaga. Pero I'm just surprised na sa ngayon, parang sobrang fragile ng emotions ko to the point na parang slowly, I am opening myself up to the world again. Yes, again..because perhaps, I shut all my doors to life just because of a past that I was stuck with. Ilang taon akong nabilanggo sa mga malulungkot na nangyari sa buhay ko kaya para akong naging manhid sa kung ano mang emosyon na dapat kong maramdaman.

So, anong point? Well, narealize ko lang naman na kahit pala anong pilit natin na isarado ang puso at isipan natin sa realidad, sa tunay na mundo, hindi natin ito maiiwasan because our emotions will always come in between. Walang tao na walang emotion because like everything else, our emotions are just there, waiting for us to acknowledge them. Ano man ang sakit na dulot ng kahapon, dapat open pa rin tayo sa lahat ng pwede nating maramdaman at present o sa mga susunod na araw, buwan o taon pa man.

We should be able to express how we truly feel because in that way, we'll make the most of our lives. Mahirap din namang magtago ng nararamdaman forever. If something has to be kept a secret, remember that it will only be temporary. Kung meron tayong kinakatakutan, don't make it a big deal and overcome it instead. Kung may gusto tayo na maachieve, go lang. Pursue it wholeheartedly. Give your 101% kung pwede.

Huwag kang matakot na harapin ang mga emosyon mo dahil bahagi sila ng pagkatao mo.

hourglass

10/10/2016

Commuting 102: Mga Eksena Tuwing Magcocommute Ka

When you don’t have your own car or wala kang generous na friend na magsasabay sa’yo pauwi, talaga nga namang no choice ka kundi magcommute thru PUV’s like FX, jeep or bus. Kaso, sa sobrang hirap magcommute sa Pinas, kailangan mo ng balde-baldeng pasensya at positivity. Sa traffic at nakakainis na pagpila, iwiwish mo na lang siguro na isa ka sa mga X-Men na nakakatravel nang walang hassle o nakakapagpatigil ng oras  o nakakacontrol ng mga tao at bagay.

Kaya naman, kung certified commuter ka, for sure, familiar ka na sa iba’t-ibang eksenang nagaganap sa mga terminal, hintayan ng PUV’s o kahit na saan na pwedeng magsakay at magbaba ang mga pampublikong sasakyan. Narito ang ilan:

1. Instant Sine
-> Nakakainip naman talagang pumila at maghintay, lalo na kung pati lovelife mo eh matagal mo nang hinihintay. So, may ilang commuters tayo na tuwing nasa pila, ang ginagawang pampalipas oras ay ang panonood ng movie o series sa kani-kanilang cellphone, IPAD o tablet. Siyempre, kung hindi ikaw yung nanonood at yung nasa unahan mo ay nanonood, hindi naman siguro masama na makipanood ka na din. Wag ka nga lang masyadong obvious na kinikilig ka or mapasigaw ka sa pakikipanood. Remember: Nakikipanood ka lang, huwag masyadong careerin.

2. Mala-telenovelang Awayan sa Pila
-> Sa sobrang bagal nga naman minsan umusad ng pila eh mangyayari talaga na kapag nagkasingitan sa pila eh kasunod na nito ang awayan. Nakakatuwa lang na kung minsan, sa init ng diskusyon eh parang awayan na sa telenovela ang iyong pinapanood. Anjan yung naungkat na kung paanong hindi pinalaki ng maayos ng magulang, yung kalalaking tao eh hindi magbigay sa mga babae, atbp na talaga namang pagkalalim ng hugot at full of emotions pang ideliver kung minsan.

3. PDA (Pokemon Go Display of Addiction) 
-> Mula nang nauso ang Pokemon Go, isang game kung saan huhuli ka at magttrain ng pocket monsters (which I’m sure alam mo naman talaga at hindi ko na kailangang iexplain), aba eh parang nagkaroon ata ng craze sa Pilipinas at everywhere ay makakakita ka ng naglalaro nito. Siyempre, hindi ligtas jan ang mga PUV’s kasi mas pabor sa mga nagttravel  by car ang panghuhuli ng mga pokemons na ito.  Nakakainis lang na kung minsan, nakakagulat yung tunog kapag may pokemon na ready to catch. Aba eh, kung nakakatulog ka na sa fx o jip, asahan mong instant alarm ang tunog nay un. Tip: Sa mga adik sa Pokemon Go, ingat lang po everyday kasi baka mapasama kayo sa listahan nina Pres. Duterte at Gen. Bato ng mga adik.

4. Chikahan-On-The-Go 
-> Admit it or not, nakakainip naman talagang magcommute mag-isa, so kung may kaklase or katrabaho ka na same sa’yo ng uuwian o malapit lang naman at madadaanan, siyempre sasabay ka na sa kanya di ba? And most of the time, once may kasabay ka, sa sobrang kwentuhan niyo eh para kayong mga dyaryo na hindi nauubusan ng topic at balita (chismis). Yun tipong sa pila pa lang, nakabuo na kayo ng isang pampelikulang kwento (totoo man o hindi) tungkol sa isang tao, then pag nakasakay na, tuloy pa din, yung sequel naman. Ang matindi pa, kahit na pumreno si Manong Drayber at muntik na kayo maaksidente, aba eh tuloy-tuloy lang. Because chismis is life. Chikahan-on-the go is life.

5. That “Pasok Lang, Maluwag Pa” Moment
-> Kung certified commuter ka lalo na ng jeepney at bus, I’m sure sawang-sawa ka na sa eksenang eto. Kung hindi pa nasisira ang araw mo sa sobrang haba ng pila at ingay, amoy at kaartehan ng mga kapwa mo commuter, malamang eh pag nabiktima ka ng linya na eto, tuluyan nang mag-ON ang beast mode mo. Eh si Manong Drayber kasi o kaya si Kuya Barker, alam naman na hindi na kasya, sige lang ng sige sa pagpapapasok kahit para na kayong sardinas sa sobrang siksikan. Ang masaklap pa, yung pamasahe mo, kagaya lang din ng pamasahe ng iba na komportable ang upo kesa sa’yo.

Para sa mga araw-araw na nakikipagsapalaran sa mundo ng pagcocommute sa Pilipinas, saludo ako sa inyo! Sana ay naentertain kayo sa familiar na scenes na binanggit ko at nawa’y nag-throwback kahit kaunti ang inyong experiences  (so far) sa masalimuot na mundo ng pagbbyahe.

Kung hindi niyo pa nabasa ang una kong nasulat tungkol sa iba’t-ibang uri ng commuter na meron sa Pilipinas, sundan lamang ang link na ito: Commuting 101: Top 10 Most Common Types of Commuters.

Okay, hanggang sa muli, mga bes! Mag-ingat sa byahe at huwag hayaang masira ang iyong araw ngayon, bukas na lang. :)


hourglass

4/26/2016

Bida Sa Eleksyon 2016

Eleksyon 2016 ay paparating na
Ang mga kandidato malamang ay nagmamadali na
Kampanya  doon, kampanya dito ang mga pulitiko
Pero sino-sino nga ba ang iyong iboboto?

Sa pagka-Presidente, maugong ang labanan
May iba’t-ibang karakter ang mga nagsasalpukan
Parang nasa telenovela kung sila ay magdebate
Kanya-kanyang pabida ng kanilang mga sarili

Nandiyan si Mar, ang Mr. Palengke
Nagmula sa politikal na lahi, animo nama’y disente
Asawa ni Korina, tumatakbo sa tuwid na daan
Subalit nang tinanong ang rason ng pagkandidato,
Aba ang sagot, para hindi mawala sa pamilya ang liderato

Hindi rin pahuhuli si Mayor Duterte
Ang Superman ng Davao, tagapagtanggol ng naaapi
Sa kanyang katapangan, marami ang nabighani
Kaya daw niyang baguhin ang Pilipinas sa loob lang ng ilang buwan
Anong pagbabago nga kaya ang sa atin ay nakalaan?

Kung may Superman, siyempre meron ding Wonder Woman
Miriam Defensor-Santiago ang pangalan
Kung experience lang sa politika, siya ang may pinakamarami
Ang ating binibini’y angat sa dunong, talino at karakter
Subalit mahirap daw sumugal dahil sa siya ay may cancer

Sino rin ba ang makakalimot sa nognog from Makati?
Na sa atin daw ay nagnakaw ng bilyon-bilyong salapi
Si Binay si Binay, basta corrupt, lagi na lang si Binay
Pero kanyang ipinagmamalaki: libreng pagamot, paaral at mga naipatayong gusali
Kung siya ang magwawagi, sana sa buong bansa din, hindi lang sa Makati

Para kumpletuhin ang listahan, nariyan din si Grace Poe
Anak ni FPJ, ngunit siya daw ay hindi talaga Pilipino
Mahusay magsalita, ramdam ang puso at sinseridad
Subalit sa experience sa pulitika, siya daw ay kulang pa
Kung track record ang pag-uusapan, siya ay amateur pa

Sa darating na eleksyon, nawa’y tayo ay maging mahusay
Sa pagpili ng mga magiging lider, tayo ay magnilay-nilay
Huwag yung puro salita lang, bagkus ay yung may magagawa
Bumoto nang naaayon sa iyong gusto, hindi lang sa tayo ay nakikiuso
  
Higit sa lahat, atin din sanang mapagtanto
Na wala sa mga kandidatong ito ang sagot sa ating bawat gusto
Kung tayo lamang ay may disiplina at respeto sa isa’t isa,
Ang ating bansa sana ay noon pa naging masagana

Kaya kaibigan, sana’y maisip mo na,
Sa darating na eleksyon, ikaw pa rin ang bida
Pumili ng wasto at ilagay sa balota
Ang taong alam mong, hindi magiging kontrabida.


hourglass

12/07/2015

Dawn Diaries Entry #1

Matagal ko na tong plano. Sabi ko, dahil parati na lang akong gising pag madaling araw, gagawa ako ng parang diary. Ikkwento ko dun kung ano ang naexperience ko sa madaling araw na yun, o kung may lesson ako na natutunan, o natanga na naman ako, naligaw sa byahe, nainis, natakot, o kung anu-ano pa na pwedeng ikwento. Hindi ko naman sinasabing may pakialam ang ibang tao sa experiences ko, malamang kasi eh wala. Pero wala eh, gusto ko lang, tsaka minsan naman wala din akong pakialam sa kanila so quits lang.

Kung nababasa mo eto ngayon, congrats! Isa ka sa mga unang tao na mabubulabog ko para samahan ako sa aking pagpupuyat. And since nagsimula na ako sa diary na eto, dapat lang siguro na magpakilala muna ako. 

Pero, ayoko kasi sabihin ang pangalan ko, baka masyado tayong maging close. Huwag muna. Kaya, tawagin mo na lang muna ako na "Gram", hindi "Gram" as in yung measurement ah, hate ko kasi ang Math. Call me "Gram" as in short for grammar. Favorite subject ko yung English eh, kahit hindi naman ako magaling magpronounce at lagi akong nabubulol o pag nagsasalita ako ng words na may "th" eh parang laging silent yung "h". Friendly daw ako, sabi nila (baka kaya madami din akong friends sa Facebook). Madali akong matuwa sa mga simpleng bagay, pero madali din naman akong mainis sa kanila. Halimbawa kanina, tawang-tawa ako sa joke ng kaibigan ko na napakacorny naman, tapos nun may nabasa ako na joke sa Newsfeed ko (na corny din), nairita naman ako sa ka-cornyhan. Hehe. Ano pa ba? Ahm, mejo tamad ako sa gawaing-bahay pero ayoko din naman ng magulo ang bahay kaya may chances na sumisipag ako (incidentally). Hindi ako masyadong mahilig kumain pero base sa katawan ko, parang past time ko ang pagkain. Haha! Mabagal akong kumilos, may sarili akong way ng kaartehan, mainipin din ako at minsan, lagi akong galit (minsan na, lagi pa?) Ganyan ako kagulo kasi. Mahilig pala ako sa music, pinapakinggan ko kahit anong genre, at take note, sa sobra sigurong pagkahilig ko sa music kaya ako mejo may kabingihan. Gusto ko kasi sa music, malapit lang sa tenga ko eh, so ayun. Di ako masyadong mahilig sa OPM pero lately, mga OPM ang pinapakinggan ko, maiba naman sa mga usual na playlist. Kumakanta ako konti, tugtog ng gitara konti, pero pinakakonti, pagtugtog ng keyboards. Hindi naman kasi ata talaga ako marunong eh, may alam lang kaya kahit paano, kaya kong sabihin na marunong akong kumanta o tumugtog..konti. Sporty din pala ako, mahilig akong manood ng basketball or volleyball games. Naglalaro kasi ako dati, pero matagal na panahon na yun, hindi ko na nga maalala.

Ang dami ko nang nasabi di ba? Gusto ko nga kasi ang nagkukuwento. Kaya kong magkwento ng mga kwento na totoong nangyari o nangyayari pero never pa talaga akong nakagawa ng kwento na iiimagine ko lang. Mahina kasi siguro ang imagination ko kaya hindi ako makagawa ng fiction. Pero sa lahat pala ng mga sinabi ko, ikaw ang bahala kung papaniwalaan mo. 

So, ano nga ba talaga ang kwento ko for Day 1 ng aking Dawn Diaries?

Ayun na, nasabi ko na lahat sa taas. Ngayong madaling araw, nadiscover ko lang naman kung sino ba talaga ako basically. Kumbaga, I've come to realize kung ano talaga ang foundation ng personality ko. Siyempre, hindi naman ako magiging kung sino ako ngayon, kung hindi ko malalaman ang mga bagay tungkol sa sarili ko. Good or bad traits, dapat alam natin ito tungkol sa atin. Kaya nga laging may positive at negative, black and white, alpha and omega, kasi two-way lagi ang buhay. Two-way ang acceptance ng kung sino o ano tayo, sa harap ng pamilya natin, ng mga kaibigan natin, o natin, sa harap ng salamin.

P.S.

Kung hindi ka pa din makatulog kagaya ko, take some time to think about yourself: about who you really are, what you like, you dislike, ano yung mga trip na nagpapasaya sayo, o nagpapalungkot, greatest fear mo, o most embarrasing moment mo (so far). When you finally knew, hold on to those precious details because those things about yourself are the ones that will define you, no matter what happens.

hourglass




9/22/2015

Ang Araw Ko (At Inangkin Ko Nga Talaga!)

Sa araw na ito, ako ang sikat
Mga pagbati, saan ma'y nagkalat
Sa bahay, opisina, maging sa social media,
Lahat ay may greeting na kanya-kanya

Kagabi ako'y pumasok na hindi ko madama
Kung ang araw ko ba ay magiging maligaya
Subalit nang magsimula ang mga pagbati,
Hindi ko naiwasang, ako ay mangiti

Ilang text message, ang aking natanggap
Ang FB wall ko daw ay sarado, hindi mahagilap
Sorry naman po, mga kapuso't kapamilya
Nag-iinarte lang po, minsan lang naman 'di ba?

Sa mga nag-abot na ng kanilang mga regalo,
Ako po'y nagpapasalamat ng taos-puso
Sa mga wala pa naman po, wag kayong magworry
I accept late gifts, so you don't have to hurry

Sa birthday blog na ito, magpapakapuyat ako
Feeling ko kasi instant celebrity ako
Lahat nang makasalubong, sa akin ay bumabati
Parang lahat sila ay akin ngang kabati (joke lang po!)

Pero seryoso, ako'y lubos na nagagalak
Na sa araw na ito, ako ay pinanganak
Kasi si Joan Jett (idol kong gitarista) ay ka-birthday ko pala
Pati si Tatiana Maslany na idol ko namang artista

Sa aking kaarawan, ako'y may kahilingan
Sana sa taong ito, ako nama'y mabiyayaan
Ng career sa musika, o di kaya'y literatura
Upang ang aking talento'y wag ko namang ibasura

Sa pagtatapos, nais ko lang pong magpasalamat
Sa aking mga kaibigan, kapamilya, at mga tagihawat
Dahil hindi nila ako iniiwan, at lagi lang silang nandiyan
Upang ako ay damayan kahit na sa'king katamaran

O siya, ang tulang ito ay hanggang dito na lamang
Wala na rin kasi akong maidugtong o mailaman man lang
Ako ay matutulog na, at gigising nang maaga
Upang manood ng sikat ngayong si Heneral Luna

hourglass

9/10/2015

Paano Magluto ng Instant Pancit Canton with Feelings

Oo, instant kasi mahilig ka naman talaga sa instant. Ayaw mo kasi ng pinaghihirapan. Kaya mo nga ako nakuha di ba?

Una, buksan mo yung pakete. Yung bukas na bukas para kita mo agad yung noodles at condiments. Parang yung ginawa mo sa puso ko, binukas ko para sa'yo para makita mo agad ang worth ko pero wala, sinaktan mo pa din ako.

Pangalawa, magpakulo ka ng tubig at kapag kumukulo na, lagay mo na yung noodles. Dahan-dahan lang para walang matapong noodles. Pagkatapos, iwan mo saglit at balikan mo pag luto na. Sana nagdahan-dahan ka din sa akin, ano? Hindi yung bigla mo na lang akong iniwan at hindi na binalikan.

Yung huli, oo, lahat talaga may katapusan, yung bawat buwan nga, may katapusan eh. Kapag luto na yung noodles, ihalo mo na yung condiments para magkalasa yung noodles. Tama, boring naman talaga yung noodles kapag walang lasang nakahalo. Iyan siguro ang naisip mo noon kaya bukod sa akin, humanap ka pa ng ibang lasa. 

Ayan, luto na, kainin mo na at kuha ka ng tubig pantulak. Tulak kita sa bangin eh! Magsama kayo ng instant pancit canton mo, artificial, hindi totoo at higit sa lahat, manloloko kasi hindi naman talaga mabuti sa kalusugan!



hourglass