Sabi
nila, kapag single ka, malungkot daw ang buhay mo. Yun tipong hindi ka taken,
wala kang "ka-moment" o wala kang kapalitan ng kasweetan. Akala nila,
naging ampalaya ka na sa sobrang bitter mo o kaya naging yelo na ang paligid mo
dahil ayaw mong mag-Let Go. Ang hindi nila alam, maraming benefits ang taong
single kesa sa taong "In a relationship".
Pero anu-ano nga ba? Heto, let's enumerate the Perks of Being Single
(in my honest and witty point of view—that’s if I have a point):
1.
Kapag isa na lang ang bakante sa PUV (jeep, fx o tryke),
ikaw ang best candidate para makasakay.
- Basically, kapag mag-isa ka, para kang superhero ng mga pasaherong nakasakay na at naghihintay na lang ng pupuno sa sasakyan para makaalis ito. Kalimitan kasi, isa lang talaga ang natitirang bakante sa mga PUV pero hindi ito umaalis hangga’t hindi pa puno. Sige, sabihin nating maraming nakapila na sasakay, pero kung ang lahat ng yun ay may mga kasama, hindi pa rin ito mapupuno dahil malamang, hindi sila maghihiwalay. So kung single ka, “You are the lucky one kasi kaya mong sumiksik kahit saan”
2.
Isang bagay lang ang nagpapaiyak sa’yo: Sibuyas.
- Kapag nasa isang relationship ka, hindi maiiwasan na may mga tampuhan or misunderstanding and admit it or not, there are times na tuwing may ganitong sitwasyon, umiiyak ka. Baka nga kahit maliit na bagay lang like hindi ka tinext ng jowa mo maghapon, iiyakan mo na eh. O kaya naman, nag-away kayo at hindi pa kayo nagrereconcile, then nakapanood ka ng something na nakarelate sa sitwasyon mo, iiyakan mo rin yun db? Kasi feeling mo, ikaw yun. Pero kung single ka, ang paggayat ng sibuyas na lang ang iiyakan mo (pero pwede ring ng patatas—kagaya ni Princess Sarah).
3.
Kapag may mahahalagang okasyon kagaya ng Pasko at Bagong
Taon, makakatipid ka sa regalo.
- Kapag single ka, konti na lang ang reregaluhan mo: family mo, ilang kaibigan, mga inaanak, boss, officemates, kapitbahay at iba pa na feel mong regaluhan. Ang maganda dito, wala kang ka-love team na iisipin mo pa kung ano at magkano ang ireregalo mo. Tipid ka na sa gastos, less effort pa. Amazing ‘di ba?
4.
You can “gala-all-you-want”.
- There, I said it, “gala-all-you-want”. Patok na patok yan sa mga single kc nga naman kung in a relationship ka, meron kang someone na kailangan mo pang hingian ng permiso para pumunta sa isang lugar o maghang-out with some friends. At kung hindi siya pumayag? Wala, mukmok ka na lang sa isang tabi at mageexpect ka na lang ng pasalubong from your friends. Kuha ka na lang ng flashlight, maghum ka ng sound konti at sumayaw ka.
5.
Holidays na lang ang “days” na i-cecelebrate mo. No more, no
less.
- “Weeksary”, “Monthsary”, “100 days”, “Anniversary”, lahat ng yan, mawawala na sa listahan ng mga dapat mong i-celebrate. Pag kasi in a relationship ka, dapat tanda mo ang lahat ng yan, magpeprepare ka ng gift para kay jowa tapos magdadate kayo somewhere. So kung single ka, yung mga declared holidays na lang ang i-cecelebrate mo at tatandaan sa kalendaryo. Hassle kasi minsan na ang daming dates na kailangan mong alalahanin, yun parang gugustuhin mo na lang na magkaroon ng recorder sa utak mo para tanda mo lahat.
6.
You’re like a fish in the water, always ready to be caught (pero
pwedeng magpakipot.)
- So kung single ka, bongga ka. Why? Kasi kumbaga, you have all the freedom in the world to be someone’s special someone. Kaya kung may magustuhan ka, it’s never a sin to show reciprocal love. Hindi mo na kailangan pa na masangkot o maging isang third party dahil unang-una, you are single and definitely ready to mingle. Pero syempre, may “K” ka din naman na maging choosy or pakipot sometimes. It’s part of the game of being single. Trust me, it works.
7.
Hindi ka na isang alien sa harap ng
mga kaibigan at kapamilya mo.
- Magugulat na lang ang mga kaibigan at kapamilya mo kasi always present ka na sa gatherings na dati ay nakakaubusan mo na ng alibi. Minsan pa nga ikaw na ang nagoorganize ng event para lang magkaroon kayo ng reunion. Ang ganda sa pakiramdam ‘di ba? Parang ang gagawin mo na lang ay tumawa at maging masaya kasama ang mga taong nagpapahalaga at mahalaga din sa’yo.
8.
You have more things for yourself:
time, money at especially, love.
- Taob na ang mga dating favorite songs mo kasi kapag single ka, “Greatest Love of All” na ang awit ng buhay mo. Hindi naman sa pagiging bitter dahil hindi ka in a relationship, sabihin na lang natin na you are just being sweet to yourself kasi being single means giving yourself everything that you want and deserve such as food you like to eat, clothes and shoes you like to wear, savings account that you want to have at iba pa na saka mo lang marerealize kapag single ka. Pero higit sa lahat, marami ka nang oras para alagaan at mahalin ang sarili mo na kung tawagin nga nila ay “ME” time.
9.
Career na career mo ang career mo.
- Sabi nila, kapag wala daw lovelife, maganda ang career. Yun lang.
10. You are more lovable and adorable than those who are in a relationship.
- When you’re single, you always dress well and try to be good-looking. Yan siguro ang reason kung bakit pag single ka eh maganda/gwapo ka sa paningin ng iba. Yung kahit hindi ka naman nag-aayos, sasabihin nila, “Uy, blooming ka.” Masarap lang sa pakiramdam kasi feel na feel mo na though you are not committed to someone, there are people who find you attractive or worth a chance.
So this ends my list. I know na marami ka pang gustong
idagdag. Come on, don’t be shy. Just voice it out because #TheVoicePH is back.
Hahaha!
If you could add something to my list, I would be glad to
hear it. As a reward, I will tell my buddy, Nicholas, to be good to you this
Christmas. Will a new beau be enough for you?
hourglass