Ilang ulit na tayong nainlove. Yung
iba, their first love is also the one they ended up with. Yung iba naman, parang
pagpapalit lang ng damit ang pagiging in love. Yung iba, naiinlove sa maling
tao o sa maling pagkakataon. At may iba rin naman na maraming beses nang
nasaktan dahil sa love. Ganunpaman, gusto pa rin nating magmahal, nang
paulit-ulit, nang lagi-lagi, yung parang wala nang bukas.
Pero what if ang love ay may
warning signs? Will you be guided on the right direction?
1. Caution: Falling Quickly
Para eto sa mga taong mabilis
ma-fall. Like, konting gestures lang ng pagkagusto sa kanya ng isang tao, gusto
na nya kaagad eto. Minsan naman, kahit hindi sya gusto ng gusto nya, basta
pinansin sya ng taong gusto nya, parang head over heels in love na agad siya.
Remember: We should not fall in
love too quickly. There’s such thing as “Getting-to-know” stage na pwede natin
makilala kung ano o sino ba talaga ang taong sinasabi natin na inlove tayo. Malay
mo, you both have some things in common like kung babae ka, you’re both into
boys. We’ll never know. Hehe. Besides, there’s always a perfect timing. Kung
hindi pa para sa’yo ang love, baka bukas o sa isang araw, para sa’yo na. Wait
lang ng konti.
2. Hard Heart Area
Ang warning sign na eto ay para sa
mga taong “Pusong-bato”. Kung gaano kabilis mainlove ng ibang tao, sila naman yung tipo na kahit yata
magbuwis-buhay na tumbling sa harap nila ang taong may gusto sa kanila eh hindi
pa rin nila eto mapapansin. They’re somewhat naïve when it comes to love or
they’re just too hard to please. What more to love someone back?
Remember: Sa ganitong sitwasyon,
ang kailangan lang natin ay maging prepared at magkaroon ng bonggang bonggang
pasensya. Sabi nga nila, “Patience is a virtue” pero kung hindi mo virtue ang
patience, sige respect na lang. Sa kahit ano namang pagkakataon, dapat natin
irespeto na may mga tao talaga na hindi basta-basta mababago ng simpleng
pagpapakita ng love. In one way or another, I’m sure naging mailap ka din
naman, baka nga choosy pa. So ayun, respeto na lang muna.
3. Slow Down: Friend Zone
Ayan na nga, sino may sabi na
lahat ng kaibigan mo, pwede mo makatuluyan? Hindi rin naman siguro. May iba pa
rin na once naging kaibigan ang isang tao, they’ll remain as friends no matter
what. By “no matter what” means kahit na ano pa mang set-up meron sila: whether
they are friends with benefits, friends with limited benefits o friends with
unlimited benefits. Sila na bahala dun, nasa pag-uusap naman yun eh. Medyo
komplikado nga lang ang ganito. Kahit ako, nahirapan iexplain eto pero since
kasama ito sa topic, I tried.
Remember: In this quirky game of
love and playing fire (I mean games), the first one to fall in love will lose.
Simple lang, kung hanggang kaibigan lang talaga ang kaya nya ibigay sa’yo,
hindi mo siya mapipilit to give more than that. Isa pa, may mutual
understanding naman siguro kayo na bawal mainlove, unless that time eh busy ka
sa paglalaro ng Candy Crush kaya hindi mo naintindihan ang pinagusapan nyo.
4. Love At Your Own Risk
So, eto naman ang warning sign
para sa mga taong “matapang”. They are those who are brave enough to love
someone who they barely know or someone na they did not intentionally want to
love but ended up loving. Para din eto sa mga tao na mahilig sa adventure, yun
tipong in a relationship na pero still willing to take the risk of entering
into another relationship. Will it make them happy? Pwede. Pero pwede din naman
na it’s just one way of enjoying their liberty. Well, as long as kaya nilang
panindigan ang lahat at cool lang nilang madadala ang mga posibleng maging
problema ng risk na i-tatake nila, wala naman siguro magiging mali.
Remember: The more na naghahanap
tayo ng satisfaction, the more na magiging komplikado ang buhay natin. Okay
lang naman mainlove sa hindi lang iisang tao, pero romantically, parang
mahirap. So as prescribed, if you want to love at your own risk, be ready for
all the burden. In the end, you’ll be surprised for the fruit of your hardwork.
5. No Third Partying
Eto na siguro ang magiging pinakatrending
na warning sign worldwide. Aba eh ilang Legal Wife, Mrs. Real at Other Woman na
ba ang napanood natin? Ewan ko ba kung bakit nauso ang Third Party na yan. May
point rin naman sila sa pagpapalabas ng mga tungkol sa mistress, panloloko ng
asawa o ng paghihiwalay dahil sa isang tao na pumagitan. Sabi nga ng isang
joke, “Hindi lahat ng party eh nakakatuwa kasi meron ding nakakainis,
nakakapangilig ng laman at nakakapamura. Ano pa eh di “Third-Party.” Siguro sa
iba, exciting kapag nakikijoin sa isang relasyon pero what if ikaw din pala eh
may ganung sitwasyon? Masakit di ba?
Remember: Hindi sa lahat ng oras,
maganda ang makihati. Lahat tayo ay may kanya-kanyang kapalaran na nakalaan
kaya wag tayong makisingit sa isang kwento na hindi naman tayo ang bida kundi
isang ekstra lamang.
6. Reduce Love Now
Ito ay para sa mga taong sobra
kung magmahal. FYI, lahat ng labis ay masama. When we love someone more than we
love ourselves, we are giving them the right to hurt us in the most hurtful way
they can. Kumbaga sa road trip, hinay-hinay muna, pwede namang bumagal sandali.
Tsaka, pag nagmamahal naman tayo, hindi natin kailanagan ibigay ang 100% ng
pagkatao natin. Dapat pa din tayong magtira ng konti para sa sarili natin, sa
pamilya natin o sa iba pang bagay o tao na parte rin naman ng buhay natin.
Remember: Hindi mawawala ang bukas.
Kung magmamahal ka, wag mong sagarin hanggang buto.
7. Caution: Dangerous Love Ahead
Ano nga ba ang isang “dangerous”
na love? Ito ba ay kapag hindi ka mahal ng taaong mahal na mahal mo? Ito ba ay
yung tipo ng pag-ibig na maling tao ang minahal mo? O ito ba yung sa sitwasyon
na meron ka, hindi tama ang magmahal? Sa lahat ng tanong na nabanggit, the
answer is YES. Mahirap naman talaga ang mainlove lalo na kapag hindi mo alam
ang gagawin mo. Pwedeng first time mo pa lang magmahal o masyado kang nasaktan
sa previous relationship mo kaya hindi mo na alam kung paano magmahal ulit.
Kapag ganito ang sitwasyon, ang kailangan mo lang gawin ay ang mag-ingat.
Remember: Though the future is unpredictable,
it is always nice to fall in love. Not knowing if you’ll have a happy ever
after or your love story just started with “Once upon a time” makes it more
exciting to take your share on the love bug. However, we should be cautious. We
should learn when to fall and know when to move on. It’s just like that: We
fall in love, if it doesn’t work, then, we move on. And the cycle continues.
hourglass
No comments:
Post a Comment