12/07/2015

Dawn Diaries Entry #1

Matagal ko na tong plano. Sabi ko, dahil parati na lang akong gising pag madaling araw, gagawa ako ng parang diary. Ikkwento ko dun kung ano ang naexperience ko sa madaling araw na yun, o kung may lesson ako na natutunan, o natanga na naman ako, naligaw sa byahe, nainis, natakot, o kung anu-ano pa na pwedeng ikwento. Hindi ko naman sinasabing may pakialam ang ibang tao sa experiences ko, malamang kasi eh wala. Pero wala eh, gusto ko lang, tsaka minsan naman wala din akong pakialam sa kanila so quits lang.

Kung nababasa mo eto ngayon, congrats! Isa ka sa mga unang tao na mabubulabog ko para samahan ako sa aking pagpupuyat. And since nagsimula na ako sa diary na eto, dapat lang siguro na magpakilala muna ako. 

Pero, ayoko kasi sabihin ang pangalan ko, baka masyado tayong maging close. Huwag muna. Kaya, tawagin mo na lang muna ako na "Gram", hindi "Gram" as in yung measurement ah, hate ko kasi ang Math. Call me "Gram" as in short for grammar. Favorite subject ko yung English eh, kahit hindi naman ako magaling magpronounce at lagi akong nabubulol o pag nagsasalita ako ng words na may "th" eh parang laging silent yung "h". Friendly daw ako, sabi nila (baka kaya madami din akong friends sa Facebook). Madali akong matuwa sa mga simpleng bagay, pero madali din naman akong mainis sa kanila. Halimbawa kanina, tawang-tawa ako sa joke ng kaibigan ko na napakacorny naman, tapos nun may nabasa ako na joke sa Newsfeed ko (na corny din), nairita naman ako sa ka-cornyhan. Hehe. Ano pa ba? Ahm, mejo tamad ako sa gawaing-bahay pero ayoko din naman ng magulo ang bahay kaya may chances na sumisipag ako (incidentally). Hindi ako masyadong mahilig kumain pero base sa katawan ko, parang past time ko ang pagkain. Haha! Mabagal akong kumilos, may sarili akong way ng kaartehan, mainipin din ako at minsan, lagi akong galit (minsan na, lagi pa?) Ganyan ako kagulo kasi. Mahilig pala ako sa music, pinapakinggan ko kahit anong genre, at take note, sa sobra sigurong pagkahilig ko sa music kaya ako mejo may kabingihan. Gusto ko kasi sa music, malapit lang sa tenga ko eh, so ayun. Di ako masyadong mahilig sa OPM pero lately, mga OPM ang pinapakinggan ko, maiba naman sa mga usual na playlist. Kumakanta ako konti, tugtog ng gitara konti, pero pinakakonti, pagtugtog ng keyboards. Hindi naman kasi ata talaga ako marunong eh, may alam lang kaya kahit paano, kaya kong sabihin na marunong akong kumanta o tumugtog..konti. Sporty din pala ako, mahilig akong manood ng basketball or volleyball games. Naglalaro kasi ako dati, pero matagal na panahon na yun, hindi ko na nga maalala.

Ang dami ko nang nasabi di ba? Gusto ko nga kasi ang nagkukuwento. Kaya kong magkwento ng mga kwento na totoong nangyari o nangyayari pero never pa talaga akong nakagawa ng kwento na iiimagine ko lang. Mahina kasi siguro ang imagination ko kaya hindi ako makagawa ng fiction. Pero sa lahat pala ng mga sinabi ko, ikaw ang bahala kung papaniwalaan mo. 

So, ano nga ba talaga ang kwento ko for Day 1 ng aking Dawn Diaries?

Ayun na, nasabi ko na lahat sa taas. Ngayong madaling araw, nadiscover ko lang naman kung sino ba talaga ako basically. Kumbaga, I've come to realize kung ano talaga ang foundation ng personality ko. Siyempre, hindi naman ako magiging kung sino ako ngayon, kung hindi ko malalaman ang mga bagay tungkol sa sarili ko. Good or bad traits, dapat alam natin ito tungkol sa atin. Kaya nga laging may positive at negative, black and white, alpha and omega, kasi two-way lagi ang buhay. Two-way ang acceptance ng kung sino o ano tayo, sa harap ng pamilya natin, ng mga kaibigan natin, o natin, sa harap ng salamin.

P.S.

Kung hindi ka pa din makatulog kagaya ko, take some time to think about yourself: about who you really are, what you like, you dislike, ano yung mga trip na nagpapasaya sayo, o nagpapalungkot, greatest fear mo, o most embarrasing moment mo (so far). When you finally knew, hold on to those precious details because those things about yourself are the ones that will define you, no matter what happens.

hourglass




9/22/2015

Ang Araw Ko (At Inangkin Ko Nga Talaga!)

Sa araw na ito, ako ang sikat
Mga pagbati, saan ma'y nagkalat
Sa bahay, opisina, maging sa social media,
Lahat ay may greeting na kanya-kanya

Kagabi ako'y pumasok na hindi ko madama
Kung ang araw ko ba ay magiging maligaya
Subalit nang magsimula ang mga pagbati,
Hindi ko naiwasang, ako ay mangiti

Ilang text message, ang aking natanggap
Ang FB wall ko daw ay sarado, hindi mahagilap
Sorry naman po, mga kapuso't kapamilya
Nag-iinarte lang po, minsan lang naman 'di ba?

Sa mga nag-abot na ng kanilang mga regalo,
Ako po'y nagpapasalamat ng taos-puso
Sa mga wala pa naman po, wag kayong magworry
I accept late gifts, so you don't have to hurry

Sa birthday blog na ito, magpapakapuyat ako
Feeling ko kasi instant celebrity ako
Lahat nang makasalubong, sa akin ay bumabati
Parang lahat sila ay akin ngang kabati (joke lang po!)

Pero seryoso, ako'y lubos na nagagalak
Na sa araw na ito, ako ay pinanganak
Kasi si Joan Jett (idol kong gitarista) ay ka-birthday ko pala
Pati si Tatiana Maslany na idol ko namang artista

Sa aking kaarawan, ako'y may kahilingan
Sana sa taong ito, ako nama'y mabiyayaan
Ng career sa musika, o di kaya'y literatura
Upang ang aking talento'y wag ko namang ibasura

Sa pagtatapos, nais ko lang pong magpasalamat
Sa aking mga kaibigan, kapamilya, at mga tagihawat
Dahil hindi nila ako iniiwan, at lagi lang silang nandiyan
Upang ako ay damayan kahit na sa'king katamaran

O siya, ang tulang ito ay hanggang dito na lamang
Wala na rin kasi akong maidugtong o mailaman man lang
Ako ay matutulog na, at gigising nang maaga
Upang manood ng sikat ngayong si Heneral Luna

hourglass

9/10/2015

Paano Magluto ng Instant Pancit Canton with Feelings

Oo, instant kasi mahilig ka naman talaga sa instant. Ayaw mo kasi ng pinaghihirapan. Kaya mo nga ako nakuha di ba?

Una, buksan mo yung pakete. Yung bukas na bukas para kita mo agad yung noodles at condiments. Parang yung ginawa mo sa puso ko, binukas ko para sa'yo para makita mo agad ang worth ko pero wala, sinaktan mo pa din ako.

Pangalawa, magpakulo ka ng tubig at kapag kumukulo na, lagay mo na yung noodles. Dahan-dahan lang para walang matapong noodles. Pagkatapos, iwan mo saglit at balikan mo pag luto na. Sana nagdahan-dahan ka din sa akin, ano? Hindi yung bigla mo na lang akong iniwan at hindi na binalikan.

Yung huli, oo, lahat talaga may katapusan, yung bawat buwan nga, may katapusan eh. Kapag luto na yung noodles, ihalo mo na yung condiments para magkalasa yung noodles. Tama, boring naman talaga yung noodles kapag walang lasang nakahalo. Iyan siguro ang naisip mo noon kaya bukod sa akin, humanap ka pa ng ibang lasa. 

Ayan, luto na, kainin mo na at kuha ka ng tubig pantulak. Tulak kita sa bangin eh! Magsama kayo ng instant pancit canton mo, artificial, hindi totoo at higit sa lahat, manloloko kasi hindi naman talaga mabuti sa kalusugan!



hourglass

8/23/2015

Minsan Ang Love..


Sa pagkakataon ngayon, in love ka ba? O nagfefeeling in love? Or bitter sa love?

Kung dati, pako at turnilyo lang ang hinuhugot, ngayon mga linya sa love na ang kalimitang hinuhugot. So, makarelate ka kaya sa mga pamatay ng hugot na ito? Well, let's see.
  • Minsan ang love, parang gamot lang yan. Hindi agad-agad ang bisa pero kung appropriate talaga sa'yo, mapapagaling ka naman. Kelangan mo nga lang maghintay at magpahinga muna. Wala namang instant na gamot, di ba? So wala ding instant love.

  • Minsan ang love, parang traffic. Kahit na alam mong kahit kelan ay pwedeng mangyari, hindi mo pa rin mapaghandaan. Tapos, paghihintayin ka pa, at pag nainip ka, magsesettle ka na lang sa kung anong pinakamadaling daan, makaiwas lang sa perwisyo niya. Imbes na maenjoy mo ang byahe, maiinis ka na lang at hahanap ng ibang pagkakaabalahan.

    Pero kagaya ng traffic, minsan pag ang love eh naencounter mo, hindi ka agad makakamove on at maiisip mo na lang na..mabuti pa sa kalye, may forever.

  • Minsan ang love, parang sipon. Kusa na lang dumadapo, kahit hindi mo namamalayan. Kahit pigilan mo at tiisin, halata pa din. Tapos minsan, hindi ka pa makahinga.

    Baka ganun talaga ang love, makukuha mo nang hindi mo alam, kahit hindi mo gusto. Pero pag dumapo sayo, lahat na lang mararamdaman mo.

  • Minsan ang love, parang law lang yan. Nagsisimula ito when two people bind themselves sa isang contract ng pagmamahalan na until forever daw. Mutual yung obligation nila to give and receive love for as long as they live. Kaso, yung iba, konting panahon pa lang, nageexpire na. Ayan tuloy, hahanap ulit sila ng panibagong partnership na pwede nilang pasukin. Minsan, may mga tao na nagcocommit ng fraud by means of being unfaithful o yung tinatawag na mga third party. Dahil sa kanila, nagiging mahirap nang i-value ang good faith. Pero meron din naman na due to negligence kaya nawawala ang love. They don't realize their loved one's value kung hindi pa sila biglang maglalaho sa buhay nila.

    Ang daming simula ng love di ba? Pero since by nature, ang love eh unpredictable naman talaga, sa huli, ang lagi lang namang ending eh ipaglalaban mo eto.

hourglass

7/25/2015

Boses

May boses na sa aki'y laging bumubulong
Kunwari'y nasasakal, humihingi ng tulong
Kay tagal na panahong ako'y nagbingi-bingihan
Kahit naririnig, ang boses ay di pinakinggan

“Ngayon na! Gawin mo na!” iyan ang kanyang sambit
Sa aking mga tenga'y sinasabing paulit-ulit
Ngunit ako yata'y naging masyadong matigas
Di agad naintindihan ang gulong dinaranas

Heto ngayon, bumabalik na naman
Sa aking isipan ang nakaraan
Kung paanong ang boses ay hindi dininig
Isinawalambahala ang kawawang tinig

Pilitin mang itago, palaging andiyan pa rin
Sa aking katauha'y pilit na umaangkin
Minsa'y naguguluhan, minsan nama'y nababahala
Hatid ng boses na pilit gumagambala

Alam kong ang lahat ay hindi pangmatagalan
Kaya't ang boses ay dagli rin namang lilisan
Sa ngayon, hahayaan na lamang ang boses na mangusap
Ng mga ninanais at di maabot na pangarap

Marahil nga ang boses ay nagpapahiwatig
Ng mga bagay na hindi masabi ng bibig
Sa halip, kusa lamang na mararamdaman
Ng ating mga puso at tatanim sa isipan

Lahat tayo ay may boses na iniiwasan
Dahil sa takot na sumubok o kaya'y masaktan
Anuman ang mangyari, saan man maglakbay
Ang boses ay mananatili sa ating buhay

Dinggin mo man o hindi, ang boses ay nariyan
Sa anumang gawain, ikaw ay gagabayan
Sa iyo’y ituturo ang tamang daan
Patungo sa buhay na walang pag-aalinlangan.


hourglass

7/20/2015

Top 8 Reasons Kung Bakit Kahit Nakakainis, Gusto Pa Din Natin Ang Tag-ulan

Natapos na nga ang summer at tag-ulan na naman ngayon. Natapos na ang bawat weekend na puro getaways mapa-beach man, o hikings, campings o simpleng out-of-town lang. Tapos nang magdiet at magwork-out ang mga tao dahil malamig na nga naman ulit.

Pansin ko lang, marami talaga ang may paborito sa tag-ulan. Bakit nga ba? Well, eto ang mga pinakacommon na reasons:


1. "In" ang chubby dahil hindi naman required ang maging sexy

2. Madalas walang pasok dahil sa malakas na ulan o baha

3. Malapit nang mag-pasko--sa Pilipinas kasi, excited lagi sa Pasko ang mga tao

4. Marami ang nasa mood laging magshot or magusap over a glass (or maybe a tower) of beer

5. Uso ang flings at third party (malamig kasi)


6. Laging emo ang mga taong type magemote or sadyang bitter lang talaga


7. Mabenta ang mga pagkain, payong, comforter at kumo
t

8. Walang napupuyat dahil madalas tulog (bedweather)

Ikaw, anong reason mo?


hourglass

4/07/2015

Ang Katamaran na Nakakatamad

                   Oo, aminado naman ako na isa ako sa mga tao na hindi biniyayaan ng umaapaw na kasipagan. Isa ako sa maraming nilalang na nabubuhay sa mundo na walang masyadong ginagawa para maging aktibo sa mga gawaing pambahay, pang-agrikultura o pangkabuhayan. Ang pagkilos, para sa akin ay isang malaking pagsubok kaya naman sa araw-araw na buhay ko, limitado lang ang aking ginagawa. Heto ang aking iskedyul na paulit-ulit lang sa araw-araw:

5:00am- gigising. Mag-iisip kung ano kaya ang mangyayari sa araw ko. Pag wala akong naisip, iisip na lang ako ng ibang topic (di ko pa alam kung ano yun, sa ngayon)

5:30am- babangon.

5:35am- totoong pagbangon. (mahirap kaya maging mabigat at mabagal kumilos)

5:36am-6:06am- maliligo. Ganyan talaga katagal ang pagligo ko kasi sa pagitan ng oras na yan, andun na din yung pagsabay ko sa pinapatugtog ko na mga kanta sa banyo. (paborito kong pakinggan habang nasa banyo ay mga rock songs, ewan ko ba, pampabuhay ata ng dugo)

06:07am-06:27am- magbibihis, mag-aayos pagpasok, mag-iisip ulit kung ano ang mangyayari sa araw ko.

06-28am-06:30am- aalis ng bahay para pumasok sa office. (araw-araw akong medyo naiinis kasi late na naman ako)

06:31am-04:30pm- sama-samang oras na yan para sa byahe ko papuntang office, work sa office, pakikipagkwentuhan (sa kung sino mang kakausapin ako), meryenda (pag sinipag), lunch (siyempre, kumakain naman ako), work ulit sa office, OT (kung kailangan) at siyempre, pag-iisip ulit kung ano kaya ang mangyayari sa araw ko (kasi nga hindi pa tapos ang araw, marami pa pwedeng mangyari)

                             Pagkatapos ng mga oras na yan, wala na. Wala na akong ideya kung ano na ang gagawin ko. Marami sana akong naiisip gawin: maglaba (kaso may malapit naman na laundry shop), maglinis ng bahay (hindi pa naman masyadong madumi), magsukat ng mga damit (na hindi ko alam kung kasya pa sa akin), magbasa ng mga libro (na nakadisplay lang sa kwarto), maginternet (nakakamahal yun ng bill ko sa plan), tumugtog ng gitara (baka wala sa tono), hipan ang electric fan at pagalawin ang elesi (pagbabalik ba ng tulong na ibinibigay niya pag naiinitan ako) at bilangin kung ilang beses lalabas sa TV commercial si Kris Aquino at Sarah G. (ay si Ryzza Mae pa pala). Naisip ko lang, siguro hindi naman talaga ako tamad, hindi ko pa lang talaga nakikita ang full potential ko. Hindi ako gumagawa ng excuse, promise. Naisip ko din, baka naman for a moment eh nakalimutan ko lang maging masipag kaya ako tinatamad. 

                        Pero seryoso, minsan tinatamad na din naman akong maging tamad. Naniniwala kasi ako na wala naman talagang permanente. Kung ngayon, tamad ako, baka 5 years from now, hindi na. (5 years talaga ha?) Isipin mo, kung tamad talaga ako, hindi ko naman 'to magagawa 'di ba? Habang tinatapos ko to, isa lang ang nasa isip ko.....

                         Pa'no ba lalabanan ang katamaran kung tinatamad kang labanan ito?

hourglass



1/18/2015

Commuting 101: Top 10 Most Common Types of Commuters

               There’s a saying that people are a constant traveler. No matter who and where we are, dadating talaga sa point na magbabyahe tayo. We travel for some reasons: for a vacation, for work or school, for simple joyrides or road trips or even just for fun. Kung may sasakyan ka, aba, walang hassle ang pagtatravel pero kung wala at magcocommute ka, asahan mo na isa itong malaking pakikipagsapalaran. Kung araw-araw mo itong ginagawa, araw-araw kang magiging si Superman o Wonderwoman para lang makarating sa iyong pupuntahan.

                At dahil nakasanayan mo na ang pagcocommute, I’m sure familiar ka na sa iba’t-ibang taong naeencounter sa tuwing magcocommute ka through PUV’s: fx, bus, jeep at tricycle. Narito ang ilan:

1.       The Music Lover
Ø  Ewan ko kung anong meron sa pagiging music lover at medyo nakakabingi ata. Siya ang type ng commuter na sa sobrang lakas ng music na pinapakinggan sa kanilang headphones eh narinig na ata ng lahat ng pasahero ang kanilang playlist. If the music is your type of music, well, hindi masyadong nakakainis pero kung hindi, pagtitiyagaan mo ang instant radio na hatid nya.

(**Kung ayaw mong mabigo, wag kang magpapaabot ng bayad mo kay Music Lover. It’s either hindi ka niya talaga naririnig or kinacareer niya ang pagkukunwari na hindi ka niya naririnig.)

2.       The Dreamer
Ø  We have to admit it. Minsan talaga, nakakaantok ang magbyahe, lalo na kung pagod at puyat ka pa. The Dreamer: Siya yung tipo ng pasahero na kulang na lang eh bed para maging kumpleto na ang tulog niya with matching panaginip. Sa araw-araw ba naman na pagcocommute, parang nagkakaroon na ng sleeping power ang seats ng PUV’s na sa pag-upo mo pa lang, para ka nang hinehele sa pagtulog. At tsaka, talent naman daw ang pagtulog nang nakaupo so kung nagagawa mo ito sa PUV’s, eh di congratulations! Nagkaroon ka na ng instant talent, sumikat ka pa ng konti kasi malamang, nakatingin sa’yo ang lahat ng pasahero at napag-usapan ka na.

(**Okay lang na matulog habang nakasakay sa sasakyan, wag lang siguro magsleepwalk. Medyo nakakatakot na po yun.)

3.       The Wanderer
Ø  Minsan, sa sobrang haba ng byahe mo, you will get bored. Bored in such a way na para lumipas ang oras, bawat tao na sasakay at bababa sa sinasakyan mong PUV eh tinitingnan mo (unconsciously). Kung nasa bus ka naman, hindi mo masyado makikita ang pagsakay o pagbaba ng mga pasahero kaya ang ginagawa mo, sa labas ng bus ka na lang tumitingin. Magbibilang ng sasakyan? Pwede. Magbibilang kung ilan na ang billboard ng endorsements ni Kris Aquino? Pwede din. Iiikot ang mata para maghanap ng pogi/maganda? Siyempre pwede din. It’s absolutely up to you, kahit pa nga hanapin mo kung saang part ng EDSA ang hindi traffic eh. Pag nahanap mo, let me know! J

(**Kung feel mo na bored ka na sa byahe, naka-Wanderer mode on ka na. Promise. Totoo yun!)

4.       The Public Couple
Ø  They are the most prominent people in the commuting world! Wherever you are, whatever PUV na sinasakyan mo, wala kang ligtas kay Public Couple. Sila yung magBF/GF o mag-asawa na walang kabitteran sa katawan kaya naman kahit nasa public sila eh parang lalanggamin sa sobrang sweet. Minsan naman, hindi sila ganoon ka-sweet na nakakainis na, minsan, nakakainis lang na ayaw nila maghiwalay ng upuan sa mga PUV so imbes na naisalba na nila yung sasakyan para makaalis na, hindi sila sasakay kasi nga magkahiwalay ang upuan. Ayan tuloy, no choice kayong mga naunang pasahero kundi ang maghintay ulit na mapuno ang sasakyan.

(**Did I already mention yung couple na hindi magBF/GF at hindi rin mag-asawa? Sila yung mga It’s Complicated at “Tamang Landi Lang” ang drama. Lumalaganap sila ngayon, ewan ko kung bakit.)

5.       The In-Betweener
Ø  Usually, kapag malalate na, hindi talaga maiiwasan na magmadali. Man as we are, we really love to make shortcuts kaya pati sa pagcocommute, naiiapply natin. In-Betweener: Siya yung  tao na medyo natatamad to fall in line kaya para mapadali ang pagsakay, pasimple na lang na sumisingit sa linya.

(**Pag walang nakapansin sa’yo, successful ka sa pagiging In-betweener pero remember, somebody’s watching you up there. Hihi)

6.       The Snob
Ø  Medyo related siya kay Music Lover. Siya yung type ng pasahero na parang malaking abala ang magpaabot ka ng bayad sa kanya or makisuyo ka na tumabi siya ng konti para magkasya kayo sa sasakyan.

(**Kapag naencounter mo si The Snob, ang kailangan mo lang ay pasensya—bonggang-bonggang pasensya.)


7.       The Preacher
Ø  From the name itself, siya yung sumasakay ng PUV’s (especially bus) hindi para maging pasahero kundi para mangaral. Okay lang naman, wala namang masama dun kasi everyone has the right to hear God’s words naman. Medyo off lang yung after magbigay ng Bible lessons eh mageexpect ng donations.


8.       The Cutie
Ø  Malakas maka-good vibes ang type of commuter na ito. Aminin mo, kapag may cute na bata sa sinasakyan mong PUV, tinatawanan at nakikipaglaro ka sa kanya di ba? O kaya naman, kahit hindi ka makipaglaro, tinitingnan mo siya paulit-ulit di ba? Kasi maganda sa pakiramdam at nakakauplift ng soul.

(**Pwede ka ring magkaroon ng ganoong pampagood vibes kung wala ka pa. Hurry, the time is running.)

9.       The Non-Stop Talker/s
Ø  If you’re in a public transportation, hindi talaga mawawala ang mga Non-Stop Talker/s. Sila yung tipo na mula pa lang sa pagsakay sa PUV eh hindi na mapigilan sa pagkkkwentuhan. It’s not so disturbing kung mahina lang ang kwentuhan nila pero yung iba naman kasi, kung makapagkwento eh kala mo bingi ang lahat ng tao at sila ay nasa sarili nilang sasakyan. Oops, kasama rin pala sa category na ito yung tao na wala namang kasama physically pero may kausap sa cellphone at bonggang bongga ang chika sa kabilang linya.

(**Pag may Non-Stop Talker ka na kasakay sa PUV, relax ka lang. Para ka lang nanood ng isang eksena ng mga taong nagbabatuhan ng linya at ang palabas? Soap Opera. Aba eh sa mga Non-Stop talkers, ang usual na topic eh gossips and things about sa buhay-buhay ng ibang tao.: may tawanan, awayan at iyakan. Over-all package kumbaga.)

10.   The Gadgetic (Gadget Addict)
Ø  As industrialized and developed our nation is, gadgets are something that most people have nowadays. Kaya naman kahit sa public transportation, we couldn’t hide the amusement that these gadgets bring into our life. Kapag may gadget (smartphone, iPad, laptop, etc) for sure, makakalimutan mo ang bag mo pero ang gadget mo, hindi. Makakalimutan mo na icheck ang assignments mo pero ang gadget mo, hindi. Yan ang trend ngayon eh: habang nasa PUV, nakikipag-chat, naglalaro ng online games, at higit sa lahat, nakikigulo sa social media networks. So kung ginagawa mo ito, isa kang Gadgetic.

(**If you’ll practice being a gadgetic, just make sure na hindi ka mapapalampas sa destination mo. At ang mas matinding babala, kung may katabi ka na gadgetic, wag kang matempt na makiusyoso sa ginagawa nya sa gadget nya. Bad yun (sumulyap ka na lang konti). Hahaha!)

                Ayan, natapos na rin tayo. I’m sure this list is still incomplete because a commuter comes in many kinds. For now, these are just the Top 10 Types that are most common in the metro. So, hanggang sa susunod na lang ulit na pakikipagsapalaran. Always be safe and enjoy your trip, fellow commuters. J

hourglass